Ayon sa alkalde, makakatanggap nito ang mga mag-aaral ng naturang unibersidad na mula sa “poorest of the poor” families.
“Alam ko po ang hirap na dinaranas ng ating mga mag-aaral, lalo na mga mahihirap na nasa ating mga pampublikong paaralan. Kaya’t inihahandog po namin ito ni Vice Mayor Honey Lacuna,” pahayag ni Moreno.
Sinabi nito na umabot sa P8.8 milyon ang halaga ng mga tablet na nalikom mula sa kaniyang modeling/talent fees sa iba’t ibang kumpanya.
“Hangad po namin silang matulungan sa kanilang online calsses ngayong may blended learning mode dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19,” ayon pa kay Moreno.