Container vans, gagawing dormitory facility para sa medical workers sa Cebu City

Isinasagawa na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang dormitory o isolation facility para sa medial workers sa Cebu City.

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, ipapa-convert ang container vans para maging 16-bed capacity isolation facility sa Lot 17, NOAH Complex sa bahagi ng South Road Properties.

Target na makumpleto ang naturang proyekto sa buwan ng Oktubre.

“We hope to turn-over a fully-equipped dormitory to our Cebu City frontliners very soon. As a matter of fact, with the pace of construction, we see the completion of this facility by ‪October 25, 2020‬,” ayon sa kalihim.

Magkakaroon ng air-conditioning units, sofa, toilet and bath, laundry area at common kitchen na kumpleto ng gamit ang naturang pasilidad.

Read more...