Tinapyas na pondo ng DBM sa Comelec para sa 2021, hiniling na maibalik

By Erwin Aguilon September 24, 2020 - 04:38 PM

Hiniling ng Commission on Elections (Comelec) sa Mababang Kapulungan na maibalik ang binawas na pondo ng Department of Budget and Management (DBM) para sa susunod na taon.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, nais nilang maging ligtas ang halalan sa 2022 kaya humihirit sila na ibalik o dagdagan ang kanilang pondo upang matugunan ang mga pangangailangan para sa pagbili ng mga dagdag na makina.

Paliwanag ni Jimenez, isinasaalang-alang ng Comelec na sa 2022 ay posibleng wala pang bakuna laban sa COVID-19 kaya nais nilang kaunti lamang ang bilang ng mga botante na gagamit sa bawat makina upang maiwasan ang pagsisiksikan at hawaan ng sakit.

Inaasahan na sa 2022 ay aabot sa 65.304 million ang registered voters.

Aabot sa P14.56 billion ang inaprubahang budget ng DBM para sa Comelec sa susunod na taon mula sa kanilang proposal na P30.673 billion.

Nanawagan din ang Comelec sa Kamara na tulungan silang palawakin ang alternatibong paraan ng pagboto tulad ng “voting by mail”.

TAGS: 18th congress, 2021 Comelec budget, budget for 2022 elections, Comelec spokesperson James Jimenez, DBM, Inquirer News, Radyo Inquirer news, 18th congress, 2021 Comelec budget, budget for 2022 elections, Comelec spokesperson James Jimenez, DBM, Inquirer News, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.