BREAKING: Bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas, umabot na sa 296,755; Higit 2,000 ang nadagdag

Hindi bababa sa 2,000 ang naitalang bagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Huwebes (September 24), umabot na sa 296,755 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 59,700 ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 2,180 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

86.6 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 9.2 porsyento ang asymptomatic; 1.3 porsyento ang severe habang 2.9 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 36 ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 5,127 ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 580 naman ang gumaling pa sa bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 231,928 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Samantala, sa September 22 DOH Case Bulletin, sinabi ng kagawaran na naisama “incorrectly” ang Taguig City Molecular Laboratory sa non-compliant laboratories.

“We would like to correct this inclusion as the Taguig City Molecular Laboratory is not yet operational and is currently assembling it information system,” pahayag ng DOH.

Read more...