Ligtas na nakarating ang ilang locally stranded individual (LSI) at authorized person outside residence (APOR) sa Port of Polillo, Quezon province Huwebes ng umaga.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nagmula ang mga LSI at APOR sa Lungsod ng Maynila.
Katuwang ang PCG disembarkation ng mga LSI at APOR sa naturang probinsya.
Siniguro rin ng ahensya na nasunod ang minimum health standard gaya ng physical distancing, at pagsusuot ng face mask at face shield.
Sinabi ng PCG na bahagi ito ng kanilang kontribusyon sa “Hatid Tulong Initiative” ng gobyerno upang matiyak na ligtas na makakauwi ng probinsya ang LSIs sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.