NCR at ilang lalawigan sa Luzon, makararanas ng pag-ulan

Asahang makararanas ng pag-ulan ang bahagi ng Metro Manila at ilang parte ng Luzon.

Batay sa thunderstorm advisory dakong 12:45 ng tanghali, katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin ang iiral sa Metro Manila, Tarlac, Pampanga at Rizal.

Maaapektuhan din ang Silang, Cavite; Laurel, Tanauan at Santo Tomas sa Batangas; Bay, Laguna; Carranglan, Nueva Ecija.

Uulanin din ang Botolan at Iba sa Zambales; Pilar, Orion at Bagac sa Bataan; at maging sa Quezon partikular sa Mauban, Sampaloc, Tayabas, Lucban, San Narciso at Mulanay.

Ayon sa weather bureau, iiral ang nasabing lagay ng panahon sa susunod na dalawang oras.

Inabisuhan naman ang publiko na mag-ingat at antabayan ang susunod na update ukol sa lagay ng panahon.

Read more...