Mga maliliit na online business pinatutulungan sa gobyerno

Kuha ni Erwin Aguilon

Isinusulong ni House Committee on Ways and Means Chairman at Albay Rep. Joey Salceda sa pamahalaan ng suporta ang mga maliliit na negosyo sa online.

Sa ilalim ng House Bill 7698 o Online Small Enterprise Support Services Act of 2020 ni Salceda, nais nito na mabigyan na ng pagkakataon ang mga small online businesses na makapag-loan, mabigyan ng grants, registration assistance at training upang matulungan na mapalago ang negosyo.

Makakatulong din ang panukala na ito para makapagparehistro ang mga online business at maiwasan ang anumang government penalty.

Tinukoy pa ni Salceda na tagapagligtas ng ekonomiya ngayong may COVID-19 pandemic ang mga small online business.

Partikular na target dito ang mga online businesses na may annual sales na mas mababa sa P1 million kung saan maaari silang makapangutang sa mga government banks, gayundin ay eligible sa free credit reports, grants at training mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at iba pang benepisyo.

Magkagayunman, sa biglang pagsulputan ng mga online business ay marami sa mga ito ang unregistered kaya sa halip na parusahan ay bigyan ang mga ito ng maraming benefits at incentives kapalit ng pagpaparehistro at pagbabayad ng buwis.

 

 

Read more...