Ayon kay Atienza, hindi dapat hayaan ng pangulo na mabali ang gentleman’s agreement sa pagitan nina House Speaker Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Alan Velasco.
Isa anyang malaking kasawian sa Kamara kapag hindi nasunod ang palabra de honor at delicadeza.
Kaugnay nito, Pinaalalahanan ni Atienza si House Speaker Cayetano na igalang ang term-sharing agreement nila ni Rep. Velasco ng walang anumang kundisyon.
naupo anya si Cayetano bilang pinuno ng Kamara sa ilalim ng
term-sharing agreement nila ni Velasco sa harap mismo ni Pangulong Duterte.
Noong panahong iyon ayon sa kongresista ay walang majority numbers si Cayetano pero hindi ito hiningi ni Velasco bilang kundisyon upang maging speaker.
Tanong ni Atienza, bakit ngayon na malapit ng matapos ang termino ni Cayetano sa ilalim ng 15-21 agreement ay kinukuwestyon kung mayroong mayoryang taga suporta si Velasco bilang kundisyon.