Phivolcs may nakitang panganib sa Bulacan Airport Project site

September 24, 2020 - 08:08 AM

Ibinunyag ng Phivolcs na may nakita itong ilang indikasyon ng tinatawag nitong geohazards sa project site ng panukalang P736-billion Bulacan international airport.

“The multi-billion airport project is sitting on soft ground and the location is prone to frequent flooding,” babala ni Phivolcs director Renato Solidum.

Sa Senate hearing ng airport franchise ay sinabi ni Solidum na ang lugar ay pangunahing nasasapnan ng buhangin at ang water table ay napakababaw.

Ipinaliwanag niya na “ang river environment na ito ay nangangailangan ng special engineering interventions upang ang mga gusali at imprastraktura ay maging matatag sa mga panganib na dulot ng lindol o malakas na pag-ulan.

“The area chosen for the project stands on tender ground susceptible to shaking and liquefaction, and the flooding remains a big concern because the project site is a part of Bulacan known to easily submerge in water during heavy rains,” paliwanag pa ng Phivolcs director.

Gayunman ay inamin niya na ang lugar ay wala sa loob ng Valley Fault System na dumadaloy sa malaking bahagi ng Luzon landmass.

Binigyang-diin niya na para matuloy ang proyekto ay nangangailangan ito ng disaster risk reduction at business continuity protocols kasama ng konstruksiyon ng angkop na drainage system.

Bilang reaksiyon sa babala ni Solidum, nagpalabas ang San Miguel Corporation, ang project proponent, ng statement na nagsasabing “the concerns and issues raised by the Phivolcs director have already been factored into the detailed engineering design which is being finalized by its company’s safety experts.”

Sinabi ni SMC’s government relations unit head Melissa Encanto-Tagarda na kumuha ang kompanya ng foreign partners na eksperto sa airport construction at safety designs.

Ang panukalang international airport na itatayo sa isang 2,500 hectare property sa Bulakan, Bulacan at tatawaging SMC Aerocity ay binigyan kamakailan ng prangkisa ng House of Representatives at humihingi ngayon ng Senate approval.

Ang prangkisa ay nagpapahintulot sa SMC na magtayo at mag-operate ng four-runway air facility para sa domestic at international flights sa loob ng 50 taon, kabilang ang tax reliefs sa panahon ng pagtatayo nito.

 

 

 

 

 

TAGS: Bulacan airport, Bulacan airport

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.