3-days work stoppage sa Iloilo City Hall iniutos; lahat ng staff isasailalim sa swab test

Ipinag-utos ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas ang 3-day work stoppage sa Iloilo City Hall.

Sa bisa ng memorandum order, sarado simula kahapon, Sept. 23 hanggang bukas, Sept. 25 ang City Hall.

Lahat ng empleyado ng City Hall, kabilang ang mga job-hires at under contracts ay isasailalim sa mandatory swab test.

Magsasagawa din ng disinfection at sasailalim sa sanitation ang buong pasilidad ng City Hall.

Required na magpakita ng negatibong resulta ng swab test ang mga empleyado bago makabalik sa trabaho.

 

 

 

 

Read more...