Burgos, Surigao del Norte niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Muling niyanig ng lindol ang lalawigan ng Surigao del Norte.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang magnitude 4.0 na pagyanig sa 40 kilometers northeast ng bayan ng Burgos, alas-7:32 umaga ng Huwebes(September 24).

Naitala naman ang instrumental intensity 1 sa Surigao City.

May lalim na 19 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian at aftershocks bunsod ng pagyanig.

Una ng naitala ang magnitude 3.0 na pagyanig sa lugar kaninang 5:36 madaling araw.

 

 

 

Read more...