PLDT may emergency maintenance simula Sept. 25 hanggang 30
Magkakaroon ng limang araw na emergency maintenance ang PLDT.
Sa abiso ng kumpanya, ang operator ng international trans-Pacific submarine cable system na Asia-America Gateway (AAG) ay magsasagawa ng maintenance simula alas 8:00 ng umaga bukas, Sept. 25 hanggang sa alas 5:00 ng umaga ng Miyerkules, Sept. 30.
Gagawin ang emergency maintenance activities sa kanilang submarine cables.
Sinabi ng PLDT na magkakaroon ito ng “minimize impact” sa kanilang subscribers.
Magpapatuloy pa rin naman umano ang kanilang serbisyo para sa lahat ng PLDT at Smart subscribers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.