Bayabas, Surigao del Sur niyanig ng magnitude 5.1 na lindol

Muling niyanig ng lindol ang lalawigan ng Surigao del Sur.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang magnitude 5.1 na pagyanig sa 99 kilometers northeast ng bayan ng Bayabas, alas-6:19 umaga ng Huwebes(September 24).

May lalim na 24 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Nauna ng nakapagtala ng magnitude 3.2 at 3.0 kaninang alas-2:12 at alas-3:18 ng madaling araw.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Ang mga pagyanig ay aftershocks ng magnitude 5.7 na lindol sa lugar noong September 21.

 

 

 

 

 

Read more...