Antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon nadagdagan sa magdamag

Nadagdagan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 177.37 meters alas-6:00 umaga ng Huwebes (September 24) mas mataas ito sa antas nito kahapon na 177.33 meters.

Nadagdagan din ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 99.94 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 99.43 meters habang bahagya ring nadagdagan ang antas ng tubig ng La Mesa dam na nasa 79.34 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 79.20 meters.

Samantala, ang water level ng Binga at Pantabangan dams ay nadagdagan habang nabawasan naman ang tubig sa Ambuklao, San Roque, Magat dams at Caliraya dams.

 

 

Read more...