Bilang ng mga naka-recover sa Muntinlupa City nadagdagan pa

Tumaas pa ang bilang ng mga naka-recover sa coronavirus disease o COVID-19 sa lungsod ng Muntinlupa.

Batay sa datos ng Muntinlupa City government (Miyerkules, September 23, 6PM), nasa 3,426 na ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa COVID-19.

Ang bilang ng active cases sa lungsod ay 584.

Ang bilang naman ng nasawi sa virus ay nanatili sa 137.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lungsod ay 4,147 na.

Samantala ang bilang ng probable ay 668 habang 361 naman ang suspected.

 

 

Read more...