Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 35,512
Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.
Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Miyerkules (September 23, 3:00 PM) nakapagtala ng 440 na bagong kaso kaya pumalo na sa 35,512 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.
Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 9,727
Laguna – 11,334
Batangas – 6,085
Rizal – 6,698
Quezon – 1,668
Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 16,697.
Nasa 17,963 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 512 na bagong recovery.
Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 5,196
Laguna – 6,257
Batangas – 3,295
Rizal – 2,073
Quezon – 1,142
Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 8 kaya umabot na sa 852 ang bilang.
Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 214
Laguna – 207
Batangas – 154
Rizal – 220
Quezon – 57
Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:
1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.