Mga Kongresista na gustong i-override ang veto sa SSS pension dumami

By Isa Avendaño-Umali March 08, 2016 - 05:06 PM

congress (1)
Inquirer file photo

Nadadagdagan pa ang bilang ng mga Kongresista na pumirma para i-override ng Kongreso ang veto ni Pangulong Noynoy Aquino sa P2000 Social Security System (SSS) pension hike bill.

Ito’y sa kabila ng pahayag ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr. na wala nang pag-asa na maisakatuparan ang pagbasura sa Aquino veto.

Sa kasalukuyan, umabot na sa 87 House Members ang lumagda sa signature campaign para i-override ang dagdag na pensyon para sa SSS retirees.

Pero malayo pa ang naturang bilang sa kailangan na 2/3 votes o 192-194 ng mga Mambabatas para maisakatuparan ang override.

Sa muling pagbabalik sesyon sa May 23 ay pipilitin ng MAKABAYAN bloc na magawa sa plenaryo mg Kamara ang override sa veto ng Pangulong Aquino.

Ayon sa mga militanteng Kongresista, lumakas ang loob ng mga kasamahan nila na sumuporta sa SSS pension hike bill dahil na rin sa pag-amin ng SSS na tumaas ang kanilang kita kaya humihirit sila ng performance bonus.

Giit ng MAKABAYAN, kung uubra ang naglalakihang perks at bonuses ng SSS, walang dahilan para hindi ibigay sasenior citizens at mga retirado ang kakarampot na dagdag pensyon.

TAGS: belmonte, House of Representatives, Noynoy Aquino, SSS pension, Veto, belmonte, House of Representatives, Noynoy Aquino, SSS pension, Veto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.