Nasa 23 pang residente sa Baguio City ang nagpositibo sa COVID-19.
Batay sa Baguio City COVID-19 monitoring hanggang 4:00, Miyerkules ng hapon (September 23), umabot na sa 629 ang kabuuang bilang ng kaso ng nakakahawang sakit sa lugar.
Anim naman ang bagong gumaling sa COVID-19.
Bunsod nito, 400 na ang total recoveries sa Baguio City habang 12 pa rin ang death toll.
Samantala, sa suspected cases, nasa 2,483 ang aktibo habang 3,209 ang naka-recover.
Patuloy namang nakasailalim sa 14-day quarantine ang 8,888 na residente habang 19,083 ang nakatapos na.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.