Mga gumaling sa COVID-19 sa Mandaluyong City, pumalo na sa 3,600

Napaulat ang 60 pang nagpositibong residente ng Mandaluyong City sa COVID-19.

Sa datos ng Mandaluyong City Health Department hanggang 4:39, Miyerkules ng hapon (September 23), 4,315 na ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 561 ang aktibong kaso.

27 ang itinuturing na probable cases habang 1,504 ang suspected cases kung saan 14,995 ang cleared na.

67 naman ang mga bagong gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 3,610 na ang total recoveries ng COVID-19 sa lungsod.

Umakyat naman sa 144 ang mga residenteng pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.

Read more...