Pamamahagi ng learning devices sa mga guro at estudyante sa Maynila, tuloy pa rin
Patuloy pa rin ang pamamahagi ng learning devices sa mga guro at estudyante sa Lungsod ng Maynila para sa blended distance learning sa pagsisimula ng klase sa Oktubre.
Batay sa ulat ng Division of City Schools-Manila, 60.5 porsyento ng mga mag-aaral ang nabigyan na ng tablets.
Lahat naman ng guro sa mga pampublikong pamantasan ay nakatanggap na ng laptop.
Nagparating naman ng pasasalamat si DCS-Manila Superintendent Dr. Maria Magdalena Lim kay Mayor Isko Moreno dahil sa suporta sa mga guro at estudyante sa gitna ng COVID-19 pandemic.
“The teachers themselves are very grateful po Mayor and Manila is the only city that catered for K-12 (students and teachers),” pahayag ni Dr. Lim.
Maliban sa tablet devices at laptops, kasama ring ipinamahagi ng Manila City government ang pocket WiFi devices sa mga guro at SIM cards na may 10 gigabyte monthly data para sa mga estudyante upang matiyak ang internet connection sa pasukan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.