Bilang ng pulis na nagpositibo sa COVID-19, lagpas 5,500 na
Nadagdagan pa ng 36 ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Miyerkules ng gabi (September 23), 5,531 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
Sa nasabing bilang, 1,323 ang aktibo pang kaso.
27 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit kung saan isa ang na-readmit.
Dahil dito, 4,191 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.
Wala namang pulis ang napaulat na nasawi dahil sa COVID-19.
Bunsod nito. 17 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.