Malacañang: Hindi kami nanuhol ng mga Mahistrado sa SC

malacanang-fb-0723Pinayuhan ng Malacañang ang publiko na huwag nang patulan ang mga naglalabasang paninira laban sa administrasyon.

Malaki kasi ang hinala ng Malacañang na may bahid pulitika ang bintang na tinangkang suhulan ng tig-50 Milyong Piso ng administrasyon ang mga Mahistrado ng Korte Suprema para idiskwalipika si Senadora Grace Poe.

Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma, panahon ngayon ng kampanya at hindi malayong ang mga nagpapalutang ng mga nasabing alegasyon ay merong mga motibong pulitikal.

Iginiit ni Coloma na kapansin pansin na wala namang kongkretong katibayan na iniaalay ang mga nagpapalutang nito kaya’t makatwiran na tawagin ang kanilang mga sinasabi na purong espekulasyon lamang na walang batayan.

Batay sa lumabas na alegasyon, isang dating opisyal sa Malacañang na malapit kina Pangulong Aquino at Liberal Party standard bearer Mar Roxas at isang administration Congressman ang nagtangkang manuhol sa mga Mahistrado ng Korte Suprema.

Kanina ay nagdesisyon na ang Supreme Court pabor sa kandidatura ni Poe sa Presidential election.

Read more...