Ayon sa PPA, kayang matugunan ng bagong pasilidad ang testing requirements para sa crew-change hub ports na kontrolado ng ahensya.
Mayroon itong daily testing capacity na higit 2,000 kung saan 24 hanggang 48 oras ang turnaround time para sa resulta.
Nakapagsagawa na ng inspeksyon ang mga representante ng Department of Health (DOH) sa bagong testing facility at naglabas ng “green light” para masimulan ang operasyon matapos makakuha ng perpektong grado sa proficiency testing.
Ayon kay PPA General Manager Jay Daniel Santiago, ginawa rin agad ang proyekto upang makatulong sa gobyerno partikular sa pagproseso sa seafarers at mapadali ang crew changes sa bansa.
“It is also intended to be designated as the primary seafarer processing center for all inbound and outbound seafarers in the Port of Manila,” pahayag ni Santiago.
“The South Harbor Molecular Laboratory is intended to serve the testing requirements for crew change of seafarers in the Port of Manila and Port Capinpin in Orion, Bataan, and soon, in the Port of Batangas” dagdag pa nito.
Ang naturang pasilidad ay mayroon ding One-Stop-Shop housing satellite offices ng Maritime Industry Authority, Bureau of Immigration, Bureau of Quarantine, Bureau of Customs, at Philippine Coast Guard para maasikaso ang inbound at outbound travel requirements ng seafarers.