P400,000 halaga ng hinihinalang shabu, nakumpiska sa Marikina; Drug suspect timbog
Arestado ang isang drug suspect sa ikinasang buy-bust operation sa Marikina City, Martes ng gabi (September 22).
Sa ulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO), isinagawa ng Marikina City Police Station, Eastern Police District ang operasyon sa bahagi ng Gen Ordoñez Street sa harap ng Bubbles Car Wash, Barangay Marikina Heights dakong 10:00 ng gabi.
Nag-ugat ang operasyon kasunod ng natanggap na impormasyon ukol sa illegal drug activiities ng drug suspect sa nasabing barangay.
Naaresto ang drug suspect na si Mellowie Cruz alyas “Bossing,” 28-anyos na nakatira sa Bulacan.
Nakuha ng mga awtoridad kay Cruz ang 10 pakete at pitong piraso ng medium heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng ng hinihinalang shabu, itim na sling bag, isang 9mm Pistol (Norinco), isang 9mm magazine, apat na bala, Toyota Avanza na may plakang DAD 4711 at ginamit na buy bust money.
Tinatayang aabot sa humigit-kumulang 60 gramo ang nasabat na ilegal na droga na nagkakahalaga ng P408,000.
Agad dinala ang ilegal na droga sa EPD Crime Laboratory para sa chemical analysis kasama ang iba pang ebidensya.
Sa ngayon, nakakulong ang drug suspect sa Marikina City Police Station Custodial Facility at mahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.