BREAKING: Mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, 294,591 na
Mahigit 3,000 ang naitalang bagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Miyerkules (September 23), umabot na sa 294,591 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 58,127 ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 2,833 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
86.5 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 9.2 porsyento ang asymptomatic; 1.3 porsyento ang severe habang 3.0 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 44 ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 5,091 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 765 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 231,373 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.