Mga pamilyang naayudahan sa ilalim ng 2nd tranche ng SAP, nadagdagan pa
Patuloy pa rin ang pamimigay ng tulong-pinansiyal sa ilalim ng 2nd tranche ng Social Amelioration Program (SAP).
Umabot na sa kabuuang 13,906,398 pamilyang benepisyaryo na ang nakatanggap ng cash aid.
Ito ay batay sa datos ng Department of Social Welfare and Development hanggang 8:00, Martes ng gabi (September 22).
Dahil dito, tinatayang P83.1 bilyon na ang nailabas ng DSWD para sa 2nd tranche ng SAP.
Sinabi pa ng kagawaran na tuloy pa rin ang pamamahagi ng emergency subsidy sa mga benepisyaryo ng SAP, kabilang ang mga “waitlisted” o karagdagang mga pamilya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.