Magnitude 3.8 na lindol, yumanig sa Davao Occidental

Niyanig ng magnitude 3.8 na lindol ang Davao Occidental, Miyerkules ng hapon.

Sinabi ng Phivolcs na namataan ang episentro ng lindol sa layong 158 kilometers Southeast ng Sarangani.

Tumama ang lindol bandang 2:52 ng hapon.

Sinabi ng ahensya na wala namang napaulat na pinsala sa Sarangani.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...