Bayabas, Surigao del Sur nakaramdam muli ng aftershock
By Angellic Jordan September 23, 2020 - 03:00 PM
Tumama ang magnitude 3.3 na lindol sa Bayabas, Surigao del Sur.
Ayon sa Phivolcs, yumanig ang lindol sa layong 51 kilometers Northeast ng nasabing bayan bandang 2:27 ng hapon.
28 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.
Ayon sa Phivolcs, ito ay aftershock pa rin ng tumamang magnitude 5.7 na lindol sa Bayabas noong September 21.
Wala namang napaulat na pinsala sa lugar at mga karatig-bayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.