1,492 PCG personnel, naka-recover na sa COVID-19
Pumalo sa mahigit 2,000 ang bilang ng tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) na gumaling sa COVID-19.
Sa datos mula September 11 hanggang 22, umabot na sa 1,492 ang napaulat na gumaling sa nakakahawang sakit.
171 ang bagong naka-recover habang wala namang napaulat na nasawi.
Samantala, nasa 1,569 naman ang kabuuang bilang ng PCG personnel na tinamaan ng pandemya.
Sa nasabing bilang, 77 pa ang aktibong kaso.
Hanggang September 22, nakapagtala rin ng 18 kaso ng reinfection kung saan tatlo ang nananatiling aktibo at 15 ang gumaling na.
Tiniyak ng PCG na regular na tinututukan ang kondisyon nito.
Nagpasalamat naman si PCG Commandant, Admiral George Ursabia Jr. sa lahat ng nag-alay ng panalangin para sa mabilis na paggaling ng PCG personnel na naapektuhan ng COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.