40 LSIs, nakauwi na sa Iloilo City

By Angellic Jordan September 23, 2020 - 03:12 PM

Ligtas na nakauwi ng Iloilo City ang 40 locally stranded individuals, araw ng Martes (September 22).

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nagmula ang 40 LSIs sa Lungsod ng Maynila.

Sakay ang mga LSI ng BRP Lapu-Lapu (MMOV-5001) pauwi sa Iloilo City.

Sinabi ng PCG na ang naturang transport mission ay bahagi ng kontribusyon ng ahensya sa “Hatid Tulong Initiative” ng gobyerno na layong ligtas na maihatid sa kani-kanilang probinsya ang LSIs sa gitna ng COVID-19 pandemic.

TAGS: BRP Lapu Lapu, Hatid Tulong Initiative, Inquirer News, LSI, PCG, Radyo Inquirer news, BRP Lapu Lapu, Hatid Tulong Initiative, Inquirer News, LSI, PCG, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.