Ayon kay Alvarez, sinabi lamang niya ang totoo sapagkat hindi naman maikakaila na makalipas ang ilang buwan ay patuloy pa rin ang mataas ang bilang ng mga naitatalang panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa kada araw.
Iginiit ni Alvarez na obligasyon niya bilang mamamayan at kinatawan ng Davao del Norte na magsabi ng totoo, pero hindi para siraan ang administrasyon kundi para maiwasto ang mga mali.
Nilinaw naman din nito na hindi niya binabatikos si Pangulong Rodrigo Duterte, na kanyang kaalyado sa pulitika kundi ang hindi tamang pamamaraan sa pagtugon sa pandemnya.
Muling inirekomenda ni Alvarez sa pamahalaan na i-reassess ang approach ng gobyerno laban sa COVID-19 upang mapababa ang kaso at makapagsimula na ang bansa sa COVID recovery.