Ilang lalawigan sa Luzon, makararanas ng pag-ulan
Asahang makararanas ng pag-ulan ang bahagi ng Central Luzon at Calabarzon.
Batay sa thunderstorm advisory dakong 12:20 ng tanghali, katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin ang iiral sa Pampanga, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal at Quezon.
Maaapektuhan djn ang Zambales partikular sa Palauig, Iba, Botolan at Santa Cruz; San Jose, Tarlac.
Uulanin din ang Calaca at Lemery, Batangas; Morong, Mariveles at Limay, Bataan.
Ayon sa weather bureau, iiral ang nasabing lagay ng panahon sa susunod na dalawang oras.
Inabisuhan naman ang publiko na mag-ingat at antabayan ang susunod na update ukol sa lagay ng panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.