Panuntunan sa social distance sa PUVs malabo ayon sa LCSP

September 23, 2020 - 11:11 AM

Kinuwestiyon ng Lawyers for Commuters Safety and Protection(LCSP) sa tila magulong panuntunan sa social distancing sa iba’t-ibang pampublikong transportasyon.

Ayon sa pangulo ng LCSP na si Atty. Ariel Inton, lalo lamang napeperwisyo ang mga mananakay sa aberya na dinaranas nila sanhi ng walang klarong panuntunan sa social distance sa jeepney, bus, at iba pang sasakyang pang-masa.

“May polisiya bang pababain ang mga pasahero kung walang isang metro ang pagitan nila sa isat isa sa loob ng public transportation? Pinababa ng mga HPG ang mga pasahero na hindi isang metro ang pagitan sa isat isa samantalang ang katuwiran ng mga driver at konduktor ay wala naman silang paglabag dahil “50 percent passenger capacity” lang ang sakay nila,” ayon kay Inton.

Dagdag pa ni Inton nakalilito ang panuntunan at napeperwisyo ang mga pasahero.

May mga banta pa aniyang kukumpiskahin ang lisensya ng mga driver kung ang mga pasahero nya ay walang isang metro ang distansya sa isa’t isa.

“Ano ba talaga ang polisiya DOTr? Iba-iba kasi ang sukat at hanay ng upuan ng mga bus at jeep. Halimbawa sa bus na may tatluhan na upuan, sa isang hanay, pinapa-upo ang pasahero sa magkabilang dulo at bakante sa gitna pero pag sinukat ang pagitan nila ay hindi aabot sa isang metro.,” ayon pa kay Inton.

Sinabi ni Inton na hangga’t wala ang malinaw na guidelines mula sa LTFRB ay magulo ang umiral na patakaran.

Kung tutuusin sinabi ni Inton na magiging madali lamang naman kung susundin ang guidelines na hindi lalampas sa fifty percent capacity ng isang sasakyan ang isasakay na pasahero.

Gayundin ang pagsusuot ng face shield at face mask at one meter ang social distance.

“Sa bus na ang hanay ng upuan ay dalawahan at ang kapasidad ay 50 passengers – pwede dapat hangang 25 ang maisasakay pero may 1 meter distance na pagitan sa isat isa. Hindi pwede na 25 nga lang sila pero dikit-dikit naman. Malinaw kung ganito. Sa usapin naman na papababain ang pasahero – walang polisiya dito,” ayon kay Inton.

TAGS: PUV, social distancing, PUV, social distancing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.