Pagdinig ng komite sa Kamara sa panukalang 2021 national budget tatapusin na ngayong araw

By Erwin Aguilon September 23, 2020 - 11:57 AM

Target ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na tapusin na ngayong araw ang committee hearing para sa panukalang 2021 national budget.

Ito yon kay House Speaker Alan Peter Cayetano, ay upang maiakyat at masimulan na ang budget deliberations sa plenaryo.

Tiniyak naman ni Cayetano na hindi makaka-apekto sa takbo ng 2021 budget hearings ang ilang isyu na nagsulputan sa Kamara ngayong linggo partikular ang pagkwestyon sa umano’y hindi patas na budget allocation sa infrastructure projects ng bawat distrito at ang tangkang pagbakante sa speakership post.

Ang paglutang aniya ng isyu lalo na sa pagpapalit ng liderato sa Kamara ay makakaapekto sa budget na siya namang hindi papayagan ng speaker.

Binigyan-diin ni Cayetano na hindi siya mananatili sa pwesto kung mismong mayorya na ng Kamara ang aayaw sa kanya pero iginiit nito na hindi niya hahayaan ang ilang mga mambabatas na i-hijack ang pagdinig sa budget gamit ang isyu tungkol sa speakership.

 

 

TAGS: House of Representatives, Inquirer News, national budget, News in the Philippines, Radyo Inquirer, speakership, Tagalog breaking news, tagalog news website, House of Representatives, Inquirer News, national budget, News in the Philippines, Radyo Inquirer, speakership, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.