Sen. Cynthia Villar nais maitaas ang sweldo ng private nurses
Naghain ng panukala si Senator Cynthia Villar na layon tumaas ang suweldo ng private nurses sa bansa.
Sa kanyang Senate Bill No. 1837, hiniling ni Villar na magtakda ang National Wages Productivity Commission ng minimum wage para sa mga nurse sa mga pribadong ospital.
Katuwiran ng senadora, lubhang napakahalaga ng mga ginawa ng private hospital nurses maging sa public health emergency dahil kung wala sila ay hindi sapat ang mangangalaga sa kalusugan ng mga may sakit.
Ayon kay Villar lubhang napakababa ng P40,300 na sinusuweldo ng mga experienced registered nurses sa Pilipinas kumpara sa mga natatangap ng mga nasa katabing bansa, P62,200 sa Vietnam; P79,000 sa Indonesia; P83,000 sa Thailand; P97,000 sa Malaysia at P236,000 sa Singapore.
Binanggit pa nito, ang mid-entry level na suweldo ng mga nurse sa bansa ay P8,000 hanggang P13,000 at ang average na buwanang suweldo ng mga nurse sa Pilipinas ay higit P9,700 lang.
Sa Kamara may katulad na panukala si Davao Rep. Paolo Duterte at sina partylist Reps. Claudine Bautista ng DUMPER at Eric Yap ng ACT-CIS.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.