Nakakuha ang UP ng 91.9 percent sa clinical, pre-clinical at health research at nauna pa sa University of Oxford (74%), University of Cambridge (68.8%), na kapwa nasa England at Harvard University sa Massachusetts, USA (66.7%).
Kaya’t kasabay nang pagpuri ni Sen. Pia Cayetano sa UP ay nabanggit nito ang kahalagahan ng research o pagsasaliksik.
Puna nito nahuhuli ang ibang unibersidad sa bansa sa larangan ng research at aniya sa nararanasang pandemiya ngayon, napapatunayang napakahalaga ng research sa pagtugon sa public health emergencies.
Diin ng senadora kailangan na ng tinatawag na ‘strategic investments’ sa public health research and innovation para makahabol ang Pilipinas sa mga katabing bansa na mas maayos ang pakikipagharap sa COVID 19 gamit ang makabagong agham at teknolohiya.
Binanggit nito, ang Thailand at Vietnam ay may ginagawa ng bakuna, samantalang ang Pilipinas ay dekada nang kapos ang pagpopondo sa research laboratories.
Sinabi din nito na lubhang napakababa ng research budget ng 111 state colleges and universities sa Pilipinas kumpara sa ginagasta sa pagsasaliksik ng ibang bansa miyembro ng ASEAN.