Mataas na marka ng UP sa world ranking ikinatuwa ni Sen. Pia Cayetano

By Jan Escosio September 23, 2020 - 11:24 AM

Naungusan pa ng University of the Philippines (UP) ang ilang kilalang unibersidad sa iba’t ibang panig ng mundo sa 2021 Times Higher Education World University Rankings.

Nakakuha ang UP ng 91.9 percent sa clinical, pre-clinical at health research at nauna pa sa University of Oxford (74%), University of Cambridge (68.8%), na kapwa nasa England at Harvard University sa Massachusetts, USA (66.7%).

Kaya’t kasabay nang pagpuri ni Sen. Pia Cayetano sa UP ay nabanggit nito ang kahalagahan ng research o pagsasaliksik.

Puna nito nahuhuli ang ibang unibersidad sa bansa sa larangan ng research at aniya sa nararanasang pandemiya ngayon, napapatunayang napakahalaga ng research sa pagtugon sa public health emergencies.

Diin ng senadora kailangan na ng tinatawag na ‘strategic investments’ sa public health research and innovation para makahabol ang Pilipinas sa mga katabing bansa na mas maayos ang pakikipagharap sa COVID 19 gamit ang makabagong agham at teknolohiya.

Binanggit nito, ang Thailand at Vietnam ay may ginagawa ng bakuna, samantalang ang Pilipinas ay dekada nang kapos ang pagpopondo sa research laboratories.

Sinabi din nito na lubhang napakababa ng research budget ng 111 state colleges and universities sa Pilipinas kumpara sa ginagasta sa pagsasaliksik ng ibang bansa miyembro ng ASEAN.

 

 

 

 

TAGS: Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Senator Pia Cayetano, Tagalog breaking news, tagalog news website, up, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Senator Pia Cayetano, Tagalog breaking news, tagalog news website, up

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.