Kaso ng COVID-19 sa Valenzuela mahigit 6,600 na

Sumampa na sa 6,603 ang total confirmed cases ng COVID-19 sa Valenzuela City.

Sa latest na datos mula sa City Epidemiology and Surveillance Unit ng Valenzuela, 923 na lang ang aktibong kaso sa lungsod.

Umabot naman na sa 5,504 ang naitalang bilang ng mga gumaling

Habang 176 ang pumanaw.

Kamakailan binuksan ang sariling Hope Molecular Laboratory ng lungsod.

Sa unang batch ng resulta ng ginawang targeted mass testing, 13 ang nagpositibo sa 84 na swab test na isinagawa.

 

 

Read more...