NBI official, kapatid inireklamo dahil sa pangingikil sa mga personalidad na sangkot sa “Pastillas Scam”
Nahaharap sa patung-patong na mga reklamo ang isang opisyal ng NBI at kapatid nito na naaresto dahil pangingikil sa ilang mga taong dawit sa “Pastillas Scam.”
Isinampa ng mga kinatawan ng NBI ang reklamo sa Department of Justice o DOJ umaga ng laban sa respondents na sina Atty. Joshua Capiral at utol nitong si Chistopher.
Si Atty. Capiral, na pinuno ng Legal Assistance Section ng NBI, at kapatid nitong si Christopher na isang immigration officer, ay nahuli sa isang entrapment operation noong Lunes ng gabi.
Naaktuhan ang magkapatid na tumatanggap ng malaking halaga ng pera mula sa kawani ng BI, na sangkot sa Pastillas Scam.
Bukod dito, may iba pa umanong biktima ang dalawa na kinikikilan para maabswelto sa Pastillas Scam.
Kabilang sa mga isinampa laban sa magkapatid na Capiral ay Robbery Extortion at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Gayundin ang paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards, at sa Executive Order 608 o ang Establishing a National Securiry Clearance System for Government Personnel with Access to Classified Matters.
Ngayong araw din isinalang sa inquest proceedings ang magkapatid na Capiral.
Samantala, inihahanda na rin ng NBI ang disbarment case laban kay Atty. Capiral, na inaasahang isasampa sa Korte Suprema.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.