Water level ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon nabawasan

Muling nabawasan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 177.33 meters alas-6:00 umaga ng Miyerkules (September 23) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 177.44 meters.

Nanatili naman ang antas ng tubig ng Ipo dam sa 99.43 meters habang bahagya namang nadagdagan ang antas ng tubig ng La Mesa dam na nasa 79.20 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 79.11 meters.

Samantala, ang water level ng Binga at Pantabangan dams ay nadagdagan habang nabawasan naman ang tubig sa Ambuklao, San Roque, Magat dams at Caliraya dams.

 

 

Read more...