Global cases ng COVID-19 mahigit 31.7 million na
Umabot na sa mahigit 31.7 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Miyerkules (Sept.23) ay 31,763,628 na ang global cases ng COVID-19.
Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 270,000 na bagong kaso sa magdamag.
Ang US ay nakapagtala ng mahigit 35,300 na dagdag na mga kaso.
Mahigit 80,300 naman ang bagong kaso na naitala sa India.
Ang Brazil ay nakapagtala ng dagdag na 35,200 na mga kaso.
Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:
USA – 7,097,595
India – 5,640,496
Brazil – 4,595,335
Russia – 1,115,810
Colombia – 777,537
Peru – 772,896
Mexico – 700,580
Spain – 682,267
South Africa – 663,282
Argentina – 652,174
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.