Ika-83 Malasakit Center binuksan sa Oriental Mindoro

By Dona Dominguez-Cargullo September 22, 2020 - 11:55 AM

Hindi nahandlangan ng pandemya ang pagbubukas ng ika-83 Malasakit center sa Lungsod ng Calapan, Oriental Mindoro.

Araw ng Biyernes, September 18 nang daluhan mismo ni Senador
Christopher “Bong” Go ang pagpapasinaya sa 83rd Malasakit Center sa pamamagitan ng internet.

Ginanap ang aktibidad sa Oriental Mindoro Provincial Hospital sa Calapan City. Ang naturang Malasakit center ay pangangasiwaan ng local government unit, ito na ang pang-43 sa Luzon, pang-apat sa region 4-A o MIMAROPA.

“Bukas na sa wakas ang pinakaunang Malasakit Center sa inyong probinsya. Ito po ang ika-83 sa buong bansa. Matutulungan na rin sa wakas ng opisinang ito ang ating mga kababayan sa kanilang pangangailangang pangkalusugan,” Saad ni Go.

“Zero balance ang target natin dito sa Malasakit Center kaya dapat lamang na hindi na matakot ang ating mga kababayan diyan sa Oriental Mindoro na pumunta sa Oriental Mindoro (Provincial) Hospital para magpacheck-up, at magpagamot dahil tiyak na matutulungan kayo ng Malasakit Center,” dagdag ng senador.

Ang Malasakit Center ay brainchild ni Go matapos niyang mapagtanto ang pahirapan na paghingi ng ayuda at financial at medical help ng mga Filipino sa mga opisina at ahensiya ng gobyerno.

Matatagpuan sa center ang mga tanggapan ng Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Philippine Charity Sweepstakes Office at PhilHealth.

“Natutunan ko po ito kay Pangulong Duterte nung Mayor pa po siya ng Davao City. Marami pong lumalapit sa kanya sa…City Hall. Nagdadala po ng hospital bills ang mga pasyente. Alam ni Governor ‘yan, alam ng Mayor ‘yan. Lalapit po ‘yan, hawak ‘yung bill, hihingi ng tulong. Alam ninyo, dun ko nakita ‘yung puso ni Mayor Duterte sa mga mahihirap. ‘Yung ibang pasyente po, hindi residente ng Davao City. Ang sinasabi ng COA, bawal daw gamitin ‘yung pera ng Davao City sa mga hindi residente ng Davao City,” pahayag ni Go.

“Pinagalitan ako ni Mayor. Kinuha niya ‘yung bill at sabi niya, ‘Bong, kung hindi mo ito matutulungan itong mga kababayan natin na mga taga-Surigao, taga-GenSan City, hindi na ako uupo dito bukas sa City Hall, dahil para sa akin Pilipino rin mga ‘yan. Hindi ko matiis uupo dito at tatanggihan ko lang sila, hindi na ako babalik dito kung tatanggi lang ako’,” dagdag ng senador.

“At sa mga probinsya naman po na gustong maglagay ng Malasakit Center ay pwede po silang maglagay katulad ng Oriental Mindoro, sumunod lang po sa criteria,” he said.

“Kung ano po ‘yung makatulong sa mga kababayan natin, ‘wag natin silang pahirapan. Alam ninyo kung bakit? Pera nila ‘yan, sa kanila po ‘yan. Dapat ibalik natin sa kanila. Kaya sabi ko ang Malasakit Center, wala pong pulitika dyan. Ang Malasakit Center ay para po sa mga Pilipino, para sa mga poor and indigent patients po ‘yan at dapat may express lane para sa mga senior citizens at disabled para hindi na sila kailangan pumila,” Go added.

Samantala, naroon din sa aktibidad ang mga kinatawan mula sa DSWD. Nagbigay sila ng financial assistance sa 40 mga pasyente sa charity ward ng ospital sa pamamagitan ng
Assistance to Individuals in Crisis Situation program.

Naghayag naman ang senador ng kanyang taos-pusong pasasalamat sa frontline health workers sa gitna nang pandemya dulot ng coronavirus disease (COVID-19), lalo na sa staff at administrative personnel ng pagamutan.

“Sa ating mga doctors, nurses at iba pang health workers, kayo po ang mga bayani sa labang ito. Maraming salamat po sa ipinakita ninyong dedikasyon at serbisyo. Kung ano po ang maitutulong namin sa inyo, ibibigay po namin sa abot ng aming makakaya,” saad ni Go

“Going back to crisis that we are facing right now, kaunting tiis lang po. Magtulungan lang po tayo. Sino ba naman ang magtutulungan kundi tayo lang po mga kapwa Pilipino. Alam kong hirap po kayo,” dagdag pa nito.

Muli din siyang nakiusap sa publiko na patuloy na sundin ang mga alintuntunin ng pamahalaan para mapigilan ang pagkalat ng
COVID-19 sa bansa.

“Gusto man namin yakapin ang Pilipino ay hindi magawa kaya dapat sana po ay bumalik tayo sa dati nating normal. Kapag mayroon na pong vaccine, uunahin po namin ni Pangulong Duterte ‘yung mga mahihirap, at ‘yung mga frontliners na nag sasakripisyo para po makabalik na sa normal ang kanilang pamumuhay,” sabi ni Go.

“Patuloy rin po tayong magbayanihan at magmalasakit sa kapwa. Tulungan natin ang mga Pilipino, lalo na ang mga mahihirap na makaahon sa krisis at mabigyan ng maayos na kabuhayan,” paalala pa ng senador.

 

 

TAGS: Inquirer News, Malasakit Center, News in the Philippines, Radyo Inquirer, senator bong go, Tagalog breaking news, tagalog news website, Inquirer News, Malasakit Center, News in the Philippines, Radyo Inquirer, senator bong go, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.