Central Visayas, nakapagtala ng 60 pang kaso ng COVID-19

Nakapagtala pa ng 60 kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.

Batay sa inilabas na datos ng DOH Central Visayas hanggang September 22, 2020 ay 20,509 na ang confirmed COVID-19 cases sa nasabing rehiyon.

Sa nasabing bilang, 1,616 ang aktibong kaso.

Umabot sa 41 ang bagong gumaling kung kaya 17,646 na ang COVID-19 recoveries.

Habang nadagdagan pa ng isa ang bilang ng mga nasawi kaya 1,247 na ang pumanaw sa Central Visayas.

 

 

Read more...