Mga sundalong naka-enkwentro ng Maute Brothers bakasyon muna

By Ruel Perez March 08, 2016 - 03:54 PM

maute (1)
Inquirer file photo

Binigyan ng pagkakataon ni Armed Forces of Philippines (AFO) Chief of Staff Gen. Hernando Irriberi ang mga sundalong nag-operate laban sa Maute terror group na makapag “R-and-R” o Rest and Recreation.

Ayon kay AFP Spokesman, BGen Restituto Padilla, ito ay para bigyan naman ng pagkakataon ang mga sundalo na makapagbakasyon, makauwi at makita ang kanilang pamilya kahit sa maikling panahon lamang.

Sa kabila nito tiniyak ni Padilla na hindi sila titigil sa operasyon dahil mayroon namang ibang tropa ang agad na hahalili sa mga sundalong magpapahinga.

Bahagi aniya ito ng ipinatutupad nilang rotation system  o palitan ng mga tauhan sa lugar ng operasyon.

Dahil dito, hindi maapektuhan ang nagpapatuloy na clearing operation sa iba pang lugar na posibleng tinakbuhan ng mga umanoy galamay ng Maute brothers.

TAGS: AFP, Lanado del Sur, Maute, AFP, Lanado del Sur, Maute

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.