Bayabas, Surigao del Sur niyanig ng magnitude 3.9 na lindol
Muling niyanig ng lindol ang lalawigan ng Surigao del Sur.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang magnitude 3.9 na pagyanig sa 117 kilometers northeast ng bayan ng Bayabas, alas-6:52 umaga ng Miyerkules(September 23).
May lalim na 1 kilometer at tectonic ang origin ng mga pagyanig.
Nauna ng niyanig ng magnitude 3.8 na aftershock ang lugar kaninang 5:28 ng umaga.
Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.
Ang pagyanig ay aftershock ng magnitude 5.7 na lindol sa lugar noong Sept 21.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.