Lahat ng bansa dapat makakuha ng bakuna kontra COVID-19 ayon kay Pangulong Duterte
Humihirit si Pangulong Rodrigo Duterte sa United Nations na tiyakin na makakukuha ng bakuna kontra COVID-19 ang lahat ng bansa.
Sa kauna-unahang talumpati ni Pangulong Duterte sa UN General Assembly kagabi, sinabi nitong dapat na ipamahagi sa publiko ang bakuna.
Ayon sa pangulo, dapat magkaroon ng universal access ang lahat sa gamot at teknolohiya para makarekober ang lahat sa global pandemic.
Hindi aniya dapat na pagkaitan ang ano man bansa, mahirap man o mayaman ito.
Para sa pangulo, mas gusto niya ang bakuna na gawang Amerika o China.
Nanawagan din ang pangulo sa mga miyembro ng UN na pagsamahin ang lahat ng resources para mapalakas ang World Health Organization.
Kailangan kasi aniya ngayon ng WHO na maging mabilis sa pagresponde sa pandemya.
Tutulong aniya ang Pilipinas sa pooling ng global resources lalo’t isa sa mga magagaling ang mga Filipino health workers sa buong mundo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.