DENR naglabas ng punto por punto na paliwanag sa kaugnay sa dolomite at beach nourishment project sa Manila Bay

By Dona Dominguez-Cargullo September 23, 2020 - 06:25 AM

Ginawang punto por punto na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang paliwanag nito kaugnay sa dolomite at beach nourishment project sa Manila Bay.

Kasunod ito ng patuloy na batikos pa rin na tinatanggap ng DENR sa ginawang pagpapaganda sa Manila Bay.

Sa inilabas na paliwanag sa kanilang Facebook page, sinabi ng DENR na ang ‘dolomite’ ay hindi makasasama sa ecosystems ng Manila Bay.

Ipinaliwanag din ng DENR kung saan nagmumula ang dolomite na nakatutulong din umano para mabawasan ang acidity sa sea water.

Sinabi rin ng DENR na hindi banta sa kalusugan ng tao ang dinurog na dolomite rocks dahil hindi ito inhalable.

Hindi rin umano totoong nagdudulot ng cancer ang dolomites at lalong hindi ito poisonous.

Kabilang din sa sinagot ng DENR ang pagpapatupad ng nasabing proyekto sa kabila ng pagkakaroon ng pandemya ng COVID-19 sa bansa at ang mga akusasyong overpriced ang proyekto.

https://www.facebook.com/DENROfficial/posts/3271077226343217

 

TAGS: beach nourishment project, DENR, Inquirer News, manila bay sands, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, beach nourishment project, DENR, Inquirer News, manila bay sands, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.