Bayabas, Surigao del Sur niyanig ng magnitude 3.8 na lindol
By Dona Dominguez-Cargullo September 23, 2020 - 05:53 AM
Niyanig ng magnitude 3.8 na lindol ang lalawigan ng Surigao del Sur.
Ang pagyanig ay naitala sa layong 47 kilometers northeast ng Bayabas, alas 5:28 ng umaga ngayong Miyerkules, Sept. 23.
Ayon sa Phivolcs, 14 kilometers ang lalim ng pagyanig at tectonic ang origin.
Ang pagyanig ay aftershock ng magnitude 6.1 na lindol na tumama sa Surigao del Sur noong Sept. 21, 2020.
Wala namang naitalang intensities at hindi rin ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.