LPA, Habagat magpapa-ulan sa malaking bahagi ng bansa

Uulanin ngayong araw ang malaking bahagi ng Visayas at ang Caraga Region dahil sa binabantayang Low Pressure Area (LPA) ng PAGASA at ng Habagat.

Ang LPA ay huling namataan sa layong 365 kilometers East ng Catarman, Northern Samar.

Maliit pa rin ang tsansa na magiging ganap na bagyo ang LPA.

Dahil sa LPA at Habagat, makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan sa Caraga, Central Visayas at Eastern Visayas.

Sa Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng bansa ay bahagyang maulap na papawirin lamang ang iiral na mayroong isolated na pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.

Wala namang nakataas na gale warning kaya ligtas na pumalaot saanmang bayabaying dagat ng bansa.

 

 

 

Read more...