Maria Sharapova nag-positibo sa paggamit ng bawal na gamot

By Den Macaranas March 08, 2016 - 03:48 PM

maria sharapova french-open wallpaper
AP photo

Inamin ng dating world number one na si Maria Sharapova na bigo siyang makasali sa nalalapit na Australian Open dahil nag-positibo siya sa pag-gamit ng gamot na ipinagbabawal ng World Anti-Doping Agency (WADA) lalo na sa mga atleta.

Sa kanyang pahayag, nilinaw ni Sharapova na sampung taon na siyang gumagamit ng Meldonium na isang uri ng gamot para sa angina o chest pain.

Ayon pa sa 28-anyos na dating highest paid female athlete, noon lang buwan ng Enero isinama ng WADA ang Meldonium sa listahan ng mga banned substance para sa mga atletang katulad niya.

Paliwanag pa ng dating kampeon, “”For the past 10 years I have been given a medicine called mildronate by my family doctor and a few days ago after I received a letter from the ITF [International Tennis Federation] I found out it also has another name of meldonium, which I did not know.”

Kaugnay pa rin sa nasabing pag-amin ni Sharapova na pag-gamit ng ipinagbabawal na gamot ay kaagad na inanunsyo ng Nike na kanila nang binibitawan ang kontrata sa nasabing sikat na tennis star.

Inaasahan din na susunod dito ang iba pang mga ini-endorsong produkto ni Sharapova.

Umaasa naman ang  tennis star na malulusutan din niya ang problemang ito at muli siyang makakapaglaro ng tennis.

“I made a huge mistake, and I have let my fans down, and let the sport down that I have been playing since the age of four that I love so deeply”, dagdag pa ni Sharapova.

 

 

TAGS: Autralian Open, Maria Sharapova, Melodium, WADA, Autralian Open, Maria Sharapova, Melodium, WADA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.